7 Chapter 6
I am just crying the whole night. Hindi ko alam kung bakit sa harap ng maraming tao pinahiya nya ako. I don't know what's his real intention for doing this to me. All I ever did was to treat him good tapos ito ang isusukli nya sa akin. He's a double thick-faced jerk. All my first impressions about him were wrong. Wala ng mas sasama pa sa ugali nya.
"Kel, are you sure you're alright? You can rest for today. I will not attend my class too." mabilis akong umiling sa sinabi nya. I lost my appetite today that's why I'm not in the mood to eat. Inayos ko na lang yung mga gamit ko at naghanda ng umalis.
"Sorry Kel. I felt guilty. I think it's all my fault."
I tried my best to smile to show her that I'm okay and I'm not anymore affected by what happened yesterday.
"I'm all good. Just forget about it."
Like what I did yesterday, I just chose to ignore their stares. Sabihin na nila lahat ng gusto nilang sabihin. This is the modern society now. You can't avoid the judgements given by the society. I just let them to talk behind my back. I will just make the situation worst if I had a fight with a low class like them. I lift my chin high and then smile while walking along the corridor. Sumalubong agad sa akin si Trisha ng makarating ako sa upuan ko.
"Kelsey, did you cry last night?" tanong nya. I made sure that I put the right make up and concealer to hide what's on my face. There's nothing to worry.
"Ofcourse not! I think Asher is in denial stage that's why he said all of that. But for now, I don't care about him anymore." sagot ko. Everytime that they're asking me a questions, I just confidently answered it. I'm in the middle of writing notes when my phone vibrated me. Good thing, Ms. Demesa wasn't here so I was able to open the message. May kinuha kasi syang gamit sa faculty.
Ersy:
I will just bring you food there. Maaga naman matatapos yung klase namin.
/Okay./
Saktong pagkalagay ko ng cellphone ko sa bag ay ang pagdating ng lecturer namin.
"You'll be watching a documentary film and right after that, I want you to write a reaction paper and submit it to me tomorrow." she said. Kumuha naman ako ng kapirasong papel para magtake down notes. Nagtama ang paningin namin ni Laurene bago sya makabalik sa upuan nya. Tinulungan nya kasi si Ms. na mag ayos ng projector. Ayoko namang isipin na nagiging sipsip sya nitong mga nakaraang araw pero parang gan'on na nga.
"Okay class. Listen to the video. I will just get something in my office." pagpapaalam nya bago ito lumabas ng aming pinto. I heard some of my classmates whispering at gan'on na lang ang pagkagulat ko ng makita ko ang mukha ko sa screen.
"So tell me, Mr. Cold guy, do you have feelings for me that's why you keep on pissing me off? You want my attention, do you?"
"What are you talking about?"
"Y-you like me right and you're here to apologize?"
"I don't like you and I don't have any fault for everything happened."
Kitang kita ko sa video kung paano nila ako pagtawanan. Halos mapatakip ako sa tenga ko sa lahat ng mga negatibong bagay na sinasabi nila.
"Kapag naaalala ko yung nangyari kahapon, natatawa pa din ako."
"I never thought na gan'on kadespredera si Kelsey."
"Kapal ng mukha, sino ba sya sa tingin nya? Masyadong assuming e."
"Guys, mamaya na natin sya pag usapan. Look, nandito pa sya oh."
"Kel, wag kang iiyak, ha."
Sobrang bigat sa pakiramdam pagkatapos kong marinig iyon mula sa kanila. Mabilis kong kinuha yung bag ko para lumabas. Nasa may pinto ako ng humawak sa braso ko. Nilingon ko kung sino ito.
"Kelsey, just forget about everything they said." It was Laurene. Pinahid ko yung mga luha at umalis na sa harap nya. I hate hypocrite people. Hindi naman nya kailangang magpanggap na concern sya sa akin pero ang totoo hindi pala.
I just turned off my phone ng lumabas ako ng campus. Pumara ako ng taxi at ng makasakay ako, doon na sunod sunod na bumuhos yung mga luha ko.
I don't understand why all of this need to happen. Bakit kailangan nila akong ipahiya ng ganito? I always pretend that I'm not affected by anything they do but the truth is, it hurts inside. In just a snap, all the praises I received from them turns to hatred.
Panay tingin naman ang driver sa akin ng mapansing walang tigil ako sa pag iyak.
"Mam, okay lang po kayo?" mabilis ko namang pinahid yung mga luha ko dahil sa tanong nya.
"Ofcourse! Bakit ko naman iiyakan yung mga sinasabi ng ibang tao sa'kin? I am not weak to hurt by their judgements. At isa pa, wala namang katotohanan lahat ng 'yon." sagot ko pero mukhang hindi pa din ito kumbinsido. Nag iwas na lang ako ng tingin at ibinaling ang mga mata ko sa labas.
"Iba po kasi ang sinasabi ng mga mata nyo sa sinasabi nyo. Huwag nyo ng isipin yun mam. Mas lalo lang kayong masasaktan kung didibdibin nyo." payo nya. Sa halip na gumaan yung loob ko sa sinabi nya, mas lalo lang akong naiyak. Hindi ko alam na ganito pala kasakit mahusgahan ng dahil sa pagkakamali kong iyon. Parang sirang plaka na paulit ulit na nagpe-play sa utak ko na ayoko ng mapakinggan.
"Dito na po ako, manong. Ito po ang bayad." hindi ko na sya nilingon pa pagkatapos kong sabihin iyon.
"Oh Kelsey, iha. Wala na ba kayong klase? Bakit ka nandito?" wika ng matandang waitress na madalas na nagseserve sa akin ng pagkain ng makarating ako sa restaurant nila.
"Pa-serve na lang po ako ng madalas kong order? sa taas." sagot ko. Hindi na ako magtataka kung mamaya ay magtanong na naman sa akin kung okay lang ako. I actually like that before kasi everytime na may mga nagtatanong sa akin pakiramdam ko importante ako sa kanila at concern sila sa feelings ko. Pero habang lumilipas ang araw, ayoko ng may nagtatanong sa akin dahil nadadagdagan lang yung mga kasinungalingan ko. They will ask if I feel okay then I'll answer them that I'm all good. I'm so tired of those lies.
"Ito na iha, basta kapag may problema ka, sabihan mo na lang ako at mauunawaan naman kita." pilit akong ngumiti sa sinabi ni ate Rosa.
I always go to this place whenever I feel sad or upset. I was sitting here beside the huge glass window at tanaw na tanaw ko ang magandang paligid sa labas. It's still 12 pm. Dito na lang siguro ako magpapalipas ng oras hanggang hapon para hintayin yung sunset.
Nilabas ko mula sa bag ko yung english novel books na paborito kong basahin. My favorite genre is fantasy kaya siguro lumawak ang imahinasyon ko at madalas kong paniwalaan ang mga bagay na imposible. I feel so relaxed right now and going to this place makes me free. Pakiramdam ko wala akong ibang masasakit na bagay na iniisip. Malaya ako mula sa mga panghuhusga ng ibang tao sa akin. Being here is better than going to school, though. I don't want to be stress just for this moment.
Abala ako sa pagbabasa ng makuha ng atensyon ko ang isang wallet. Tumingin ako sa paligid at wala ng ibang tao. As far as I remember, kakaalis lang nung matandang nakaupo dito kanina. Pinulot ko yung wallet bago ko niligpit yung gamit ko. I know it's important to him at alam ko yung pakiramdam na mawalan ng gamit dati. Thank God at may mabuting tao na nagsauli sa akin. I just want to return back the favor. Sa pagmamadali ko ay natanaw ko pa ang matandang lalaki. Hinabol ko ito hanggang sa makatawid kami ng kalsada. Hingal na hingal akong humara sa dinadaanan nito.
"Lo, wait lang. Yung wallet nyo po." napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang pagod. Ibinalik ko naman sa matanda yung nahulog nya na syang ikinatuwa nito.
"Salamat apo. Paano ko ba masusuklian ang kabutihan mo?" tanong niya.
"Hindi na po kailangan. Mag ingat na lang po kayo sa pag uwi." sagot ko naman at pagkatapos ay umalis na. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko ngayon knowing the fact na nakagawa ako ng tama ngayong araw.
I just decided to open my phone dahil baka maya maya ay mag alala si Ersy kung nasaan ko. I was busy composing a message to her ng marealize ko na red light pa pala at nakatawid agad ako ng pedestrian lane. Sunod sunod tuloy ang pagbusina nila ng sasakyan. Mayroon pang isang motorsiklo na mabilis magpatakbo na babangga na sana sa akin kung wala lang humigit sa kamay ko kaya't napayakap ako sa kanya.
My hearts beats too fast because of what he did.
"I'm glad you're safe, Remy."