Potion Of Love

14 Chapter 13

Secret admirer

Umagang kay ganda.Sabay kaming pumasok ni Amir.Ang sarap lang isipin na sabay kaming pumapasok,ihahatid sa room.

"Papasok na ko." Paalam niya bago ito nagmamadaling tumungo sa kanyang room.

"Ay,syete.Nakalimutan ko nga palang mag-iwan ng notebook and books sa locker." Bumalik ako sa labas ng building.Minadali ko lang mag lakad para hindi ako makita ni Amir.

Pagdating ko sa aking locker ay meron ditong nakalagay na puso at may note na iniwan.

"My Klea Maceda."

Tinanggal ko kaagad ito at binuksan ang locker. Laking gulat ko dahil punong-puno ito ng mga ibat-ibang chocolates na imported.Kumuha ako ng plastic sa bag tsaka madaling inilagay ang lahat ng chocolates sa plastic bag.Napasandal nalang ako kung sino nga ba yong secret admirer ko.Bakit nag eeffort siyang gumawa ng ganito kahit hindi ko siya kilala.Ang tanong? Hindi ko nga ba kilala o kilala? Sana lang kilala ko para mas madaling matanggap ng damdamin ko ang lahat.Inilagay ko ang plastic sa bag ,malalaking hakbang ang ginawa ko para makahabol sa klase.Kung minamalas nakita ako ni Nixon.

"Late kana." Matabang niyang satsat.

"Uhm nakalimutan ko kasing kunin dito yung nga notebook and books ko."

"Klea Maceda,section D." Habang nagsusulat.

"Isinulat mo talaga ang pangalan ko?" Irritable kong tanong.

"Why not? Oras na ng klase pero nasa labas kapa rin.Valid reason or not,nandito kana sa listahan."

"Hay.Okay fine." Nilagpasan ko nalang siya

"Sandali." Huminto ako."Hindi mo ba ko susuhulan?" Taas ang kanyang dalawang kilay.

"Wala pa kong pera." Inirapan ko nga.

"Okay,hindi ko na nga talaga tatanggalin pangalan mo rito." Nakangisi niyang pananakot.

"K." Tuluyan ko na nga siyang nilayuan.

"Kamusta naman?"

"Pusang gala!" Salo ko ang aking dibdib sa sobrang kaba.

"Magugulatin ka pala?"

"Blaze."

"The one and only."

"Anong section ka?"

"Section D." Naka ngisi.

"Sigurado? Bakit naman last section?"

"Dahil gusto kong kasama ka." Inakbayan ako.

"Uy! Baka may makakita!" Tinanggal ko 'yung kamay.

"Tara,sabay na tayong pumasok?"

"Hay pero pwede naman na relax ka lang? Grabe to."

Sabay nga kaming pumasok.Naabutan naming wala pa pala kaming teacher,nakatakas kami.Pinaupo ko si Blaze sa tabi ni Pres, para si Pres na rin ang mag explain ng mga policy sa school and room namin.

Yung dalawang subject namin na hindi natuloy nung biyernes ay ginawa namin today. Nasa ulo ko lahat ng tamang sagot,naging madali para sakin ang lahat ng tanong dito.After lunch, kami nakalabas sa room at nagpunta sa Canteen.Hindi ko nakita si Amir,dahil sa dami ng students council na nag kalat dito.Sumabay pa kasi sila samin.

"Tabi tayo wah!"

"May kaibigan kana ba sa mga klasmeyts natin?"

"Meron,si President natin,at ikaw?"Tinignan ko ang kanyang pagkain.

"Tinapay lang ba kakainin mo?" Usisa ko.

"Yes!"

"Bakit?"

"Diet."

"Sus! Walang papasok sa utak mo kapag tinapay lang kakainin mo!" Uminom ako.

"Eh bakit kanina kapa pumapasok sa isip ko!?" Naibuga ko ang tubig sa mukha niya.Tawa siya ng tawa ng magawa ko 'yon.Ako naman,hiyang-hiya na tignan ang ginagawa niyang pagtawa

"Parehas lang kayo ng pinsan mo! Hilig bumanat!"

"Pero mas pogi ako roon 'di ba?" Hihi.

"Ha? Hotdog,Ayan!hotdog ipalaman mo diyan sa tinapay mo para mabusog ka naman ,hindi yung kung anu-anong pumapasok diyan sa isip mo!"

"Uy salamat!" Wala bang problema sa buhay 'to? Wagas kung makatawa,sa tuwing makikita ko sya ,parang paghuhukom na.

"Ang yaman-yaman mo hindi ka man lang bumili ng masarap na pagkain dito."

"Nakakasawa na 'yong mga ganitong pagkain."

"Mabuti kapa sawa na." Bulong ko.

"Bakit ? Ikaw ba?"

"Hindi.Once in a blue moon nga lang kami nakaka-

kain ng litsong manok,at baboy eh! Tsk."

"Ah ganoon ba? Sorry,hindi ko naman alam na ganyan pala ang buhay nyo."

"Hindi mo pa ba alam na mahirap kami?"

"Hindi." Titig na titig sa mukha ko."Alam mo may kaibigan si Daddy,may-ari ng isang parlor,gusto mo dalhin kita doon?"

"Wala pa kong pera."

"Libre kita."

"Talaga ba?"

"Oo,kailan ka ba pwede?"

"Siguro bago ko sagutin si Amir."

"OMG ,sasagutin mo na siya? Huhu.."

"After One month pa naman."

"After one month,dapat pala mapormahan na kita."

"Ano?"

"After one month dapat ligawan kita ng palihim."

"Uy! Wag,grabe ka naman.Alam mo naman siguro na gustong-gusto ko si Amir 'di ba?"

"I know...I know--- know.Oo na, sige na.Basta libre kita ,ipaayos natin yang hairdo mo bago sagutin si Amir."

"Wow! Tama ba 'yong narinig ko?" Hay ang bruhang leny!

"Magpapaganda ang panget." Tawanan ang lahat ng sabihin 'yon ng isang kasama niya.

"Eh kung gaganda? Paano kung hindi? Patay na."

"Pwede ba Leny? Hindi kita inaano diyan ha?" Angil ko

"Nang-agaw ka lang naman 'di ba? Klea,hindi ka ba nakokonsensya sa mga ginawa mo? Yung totoo? Ginayuma mo siya noh!"

"Tama na nga Leny!" Sigaw ni Blaze."Ano bang pinagsasabi mo dyang gayuma ha? Parang wala kang pinag-aralan sa mga sinasabi mo!"

Awts.Wala pala akong pinag-aralan dahil gumamit ako ng gayuma.

"Bakit totoo naman ah? Saksi ka blaze sa pagmamahalan namin ni Amir, alam mo rin kung gaano niya kasuklaman si Klea 'di ba? Lagi niyang sinasabi 'yon kahit hindi mo pa siya nakikita,tapos ngayon biglang minahal na siya ni Amir?"

"Lahat ng tao pwede magbago Leny. Kaya 'yang nangyayari sayo? Karma na 'yan."

"Blaze,you know me,kapag may babaeng umaaligid Kay Amir mapapahamak siya.Kaya ikaw Klea! Humanda ka! Dahil hindi mo pa natitikman ang galit ko!"

"May problema ba rito?" May lumapit na student council sa lamesa namin.

"Wala po." Sabay walk out ng mga baliw na babae.

"Alam nyo naman na bawal mag-away lalong-lalo sa canteen 'di ba?" Paalala sakin.

"Opo."

"Good ,kung aayain ka ng sabunutan doon kayo sa field, malawak at wala kayong masisirang gamit.Get it?!"

"Yes po!"

Iniwan na nga kami at nagpatuloy silang kumain.

"Okay lang yan.Malinis ang konsensiya mo Klea."

"Nasaan na ba si Amir?" Bulong ko.

"Baka nasa room pa nila."

"Wala naman tayong nakitang estudyante sa room nila 'di ba nung dumaan tayo?"

"Oo nga pala,baka nandiyan lang 'yon."

Inubos ko na ang pagkain tapos pumasok kaagad kami sa next subject namin.Hindi nga siya nagtetext,hinayaan ko muna siya.Kailangan kong mag-aral ng mabuti para patunayan na kahit magkaboyfriend ako ay kaya ko pa ring pagsabayin 'yon at ang pag-aaral.

Yung chocolates nga pala na galing sa secret admirer ko ay pinamigay ko lamang sa mga klasmeyt ko.Hindi kasi ako mahilig sa chocolates ,kahit sina Nanay hindi rin eh.

"Wow! Mga imported tong chocolates mo ha?" Bulaslas ni Blaze.

"Galing 'yan sa Secret admirer ko." Bulong ko sa kanya.

"Secret admirer?"

"Oo,lagi 'yon nagdadala ng bear ,notes tsaka chocolates sa locker ko."

Napansin ko naman na nag-iisip siya, kumukunot ang noo.

"Ang haba ng hair mo ha? May secret admirer kapa."

"Ewan ko nga ba,bakit biglang naging ganoon."

"Baka gwapo pa kay Amir 'yon ha?"

"Walang mas makakahigit sa Amir ko."

"Talaga ba?"

"Talagang-talaga."

"Okay!kung ako sa secret admirer mo ,hindi ganyan ang ibibigay ko sayo."

"Nyek,ano naman?"

"Syempre,dapat susi ng kotse ,susi ng bahay."

"Wow na tawa ako." Nakasimangot kong wika.

Uwian na.Tumambay muna kami sa field ni Blaze dahil gusto raw niyang makita kung gaano kalawak ang Academy namin.Manghang-mangha nga, dahil doble raw ang laki nito sa dati niyang Academy.

"Kaya saan ka ba makakahanap ng estudyanteng mahirap pero nag-aaral sa pinaka-mayaman na Academy?"

"Malamang dito lang yata."

"Nope,lahat naman may mga scholarship eh." Bulaslas ko.

"Alam mo naman pala, pinahiya mo pa ko."

Humagalpak kami ng tawa.Sa kakatawa namin may nag bato sakin ng mga papel na may bato.Pinagtutulak ni Blaze ang mga lalake at babae na nakapaligid sakin.

Sumenyas si Leny ng stop at kusa siyang lumapit sakin.

"Ano Klea? Sarap bang ma-bash?"? Cross arm nito.

Kahit nahihilam ako sa dugong umaagos sa aking mata,pilit ko pa rin siyang tinitignan.

"Kulang pa yan!" Tumayo ito hudyat na may magbubuhos sakin ng dalawang timbang may tubig,may halong ,lupa ,dahon at kung ano-ano pangmadudumi.

"Bagay 'yan sa tulad mong basura!" Bulyaw ng isang babae.

"Dapat sayo mawala rito sa academy! Isa kang salot!" Wika ng kung sino.

Si Blaze,hawak sya ng tatlong lalake.

"Yan ang napapala ng nang aagaw ng boyfriend. Akala mo naman kagandahan." Litanya ni Leny.

"Leny,tumigil kana.Wag mong hintayin na makita ka ni Amir sa mga ginagawa mo!"

"Shut up,blaze!"

Sinabunutan niya ko pakaladkad sa maraming putik at doon niya isinubsob ang mukha ko.

Nanggigil ako.Gusto ko na siyang labanan.Mabilis ko siyang nahila at sa pagkakataong ito ay siya ngayon ang napahiga sa putikan.Pinagsasampal ko siya at sabunot.Sa sobrang inis ko pa, binigyan ko siya ng uppercut!

May narinig kaming nag-pito.May dalawang lalakeng humawak sa magkabilang braso ko,may nagtayo sa kanyang dalawang lalake rin.Nagdra-drama ito na kunwari ay umiiyak pa.

"Siya po ang unang nanakit!" Duro sakin!

"Walang katotohanan 'yan.Si Leny ang unang sumugod samin." Tumabi sakin si Blaze.

"Lahat kayo sumama sakin sa detention room now!" Galit na utos ng isang lalake.

Pinaglinis muna kami ng katawan at nagpalit ng damit bago kami ipasok sa detention room. Kami nila Leny ,at Blaze lamang ang nasa loob nito.

"Kung 'di ka siguro nang agaw ng boyfriend hindi mangyayari satin 'to." Pang didiin niya.

"Wala akong inagaw." Banat ko.

"Wala nga ba? Klea ,hindi ka ba na kokonsensiya sa mga ginagawa mo?"

"Ano bang ginawa ko ha?!"

"Aminin mong ginayuma mo siya!"

"Pathetic! "

"Wag mo ko ini-english English ha! 'di ba totoo? Ginayuma mo siya, kaya patay na patay siya sayo!"

"Matalino akong tao Leny at 'di ko gawain 'yon! Hindi totoo ang gayuma."

Tila napahiya naman siya sa mga sinabi ko.Nakipagtitigan sakin bago naupo sa sulok.

"Hanggang anong oras tayo rito?" Sabay ni Blaze.

"Hanggang alas otso ng gabi."

Biglang bumukas ang pinto ng detention room. Pumasok si Amir ,masamang masama ang tingin,may hinahanap at nang makita si Leny,sinampal niya ito.

"Damn! How can you do this to me?!" Bulyaw ni Leny.

"Kasalanan mo kung nasa loob kayo nito,Kung hindi mo siya sinugod-sugod at pinagtulungan ng mga galamay mo malamang hindi aabot sa ganito.Say sorry? para makalabas na kayo!" Ramdam ko ang galit ni Amir sa babaeng kaharap niya.

"Bakit ko naman gagawin 'yon? Ano ako tanga?"

He smirked."Oo,tanga ka nga! Dahil hindi ka nagzorry pasensiyahan tayo.Mag-isa kang lalabas dito hanggang alas otso ng gabi!"

Hinila niya ko."Tara na Blaze!"

"O--Oo."

"Hoy! Wag nyo kong iwan dito! Hayop kayo! Hoy! Amir !!!" Nagsisigaw sa galit itong si Leny.

"Ayos ka lang ba?" Hinaplos niya ang mukha ko ,doon niya lang napansin na may sugat ang noo malapit sa kilay.

"Bukas pa ang clinic ,ipalinis muna natin yan."

Mula sa Detention room ay binaybay namin ang clinic.Nasa labas lang sila ni Blaze habang ako at nurse ang nasa loob.Habang ginagamot niya ito ay ngumingiti pa.

"Bakit po?"

"Ang swerte mo naman.Ikaw na pala ng girlfriend ni Amir."

"Hindi ko po siya boyfriend."

"Pero ganoon din 'yon.Okay na,pwede kana lumabas."

"Salamat po."

Lumabas ako ng dahan-dahan.Ang dalawa naman titig na titig sa mukha ko.

"Paano ko ipapaliwanag sa mga Nanay at Tatay na nagkaganyan ka." Panay buga ito ng hangin.

"Ako ng bahala."

"Kung hindi mo pa siya pinatulan baka pwede pang hindi? lumaki ang gulo eh."

"Pre ,lumaban man o hindi si Klea,mapagbibintangan pa rin siya."

"Shut up, Blaze." Nauuna na siyang naglakad habang kami ni Blaze ay sumusunod lang.

"Hindi ka tatantanan ng Leny na 'yon. Nakakainis ! Sinabi ko naman na walang pwede makasakit sayo pero dahil sa kapabayaan ko napahamak ka!"

Natakot kami ni Blaze sa inaasal nito.Kaya bahagya akong inilayo ni Blaze.

"Pre ,ano bang nangyayari sayo?"

"Naiinis ako dahil gusto kong gumanti! Nasaktan si Klea!"

"Pero hindi naman siya na hospital 'di ba? Wag mo nalang palakihin ang gulo.Para na rin sa ikakatahimik ng buhay nyo."

"Teka nga,bakit magkasama kayo ha?"

"Magklasmeyt kami."

Tumingin sakin si Amir tapos sunod kay Blaze.

"Umayos ka ha? Malaman ko lang pinopormahan mo si Klea ,hinding-hindi kana makakalabas sa detention room."

Napapakamot nalang sa ulo si Blaze. Tamang-hinala kasi si Amir, dahil alam naman talaga niyang ganito ang ugali ng kanyang pinsan.

Kinabukasan bago ko pumasok diretso ulit ako sa locker pero bago 'on ay nakasalubong ko si Nixon.Gulat na gulat nga ito ng makita ako.

"Saan ka galing?"

"Dito lang." Sabay turo sa direkyon ng locker room.

"Ah okay,papasok kana ba?"

"Hindi pa.Lilibot pa ko para magpapasok.Sige na,mauna na ko sayo.Wag ka na magpapa late!" Patakbo itong lumabas sa building.

Sa paglalakad ko naman ay nakasalubong ko si Blaze, parang hingal na hingal.

"Uy! Angyare sayo?!"

"Ha?Nagjo-Jogging!Kailangan syempre!"

Tinignan ko ang itsura nito na nakapangPE uniform kahit hindi pa naman Friday.

"Advance ka mag isip noh?"

"Ha ? Bakit?"

"Kasi nakapang PE uniform kana eh martes palang ngayon."

"Oo nga noh! Namali ako ng suot,sa dating school kasi namin Tuesday and Friday ang PE uniform namin."

"Ah."

"Sige,bye?! Mauna na ko sayo baka makita ako ni Nixon eh." Nagjo-Jogging nga kasi.

Bago pa ko lumiko patungong locker room,nakasalubong ko si Amir, halatang gulat na gulat.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Galing sa Cr." Nag-isip ako.

Oo nga pala, may malapit na Cr dito.

"Ang layo naman ng pinag-banyuhan mo?"

"Dito na kasi ako inabutan eh."

"Okay!Papasok kana?"

"Yes! Sige na,mauna na ko hindi na kita mahahatid,may report ako ngayon sa first subject." Hinalikan niya ko sa pisngi bago tuluyang mawala sa paningin ko.

Pumasok na ko sa locker room. Dating gawin may note na naman yung secret admirer ko ..

"Good morning Beautiful Klea! Hope magustuhan mo itong regalo ko sayo."

Kinuha ko ang sticky notes tapos binuksan ang locker.Ang laman naman ngayon ay ang Jacket tapos may note ulit.

'Lamigin ka pala.Para sayo ang Jacket na ito.Lagi mo sanang gagamitin kapag giniginaw ka.'

Jacket? Paano niya nalaman na ginawin ako?

Umayghad! Hindi kaya sina...

Amir ,Blaze at Nixon ang isa sa kanila ang secret admirer ko ?!?