Potion Of Love

22 Chapter 21

Pagbabago

Feeling ko ngayong araw malas sakin.Bakit? dahil dalawang subject ang hindi ko na pasukan. Bakit ulit? dahil para akong lasing at hindimakausap ng maayos.

Ganito kasi 'yon.Nung umaga pumasok ako, kaso sa gate palang inaabangan na pala ako ng mga alakay ni Leny,dahil hindi ako na sundo ni Amir ,Pak! Nagkaron sila ng pagkakataon para pagtulungan ako.Ayoko na rin naman mag sumbong sa kanya, dahil alam kong gulo na naman ito.Hindi kasi pumapayag si Amir na hayaan ko ang mga taong umaapi sakin.Kaya nga mas madalas hindi na ko nagsasabi sa kanya ng mga nangyayari sakin sa tuwing hindi ko siya kasama.

Dalawang subjects nga ang hindi ko pinasok dahil umagang umaga nasa clinic ako at nagpapagaling.Akala nga ng mga classmates ko absent ako today eh ,nagulat nalang sila ng lumitaw ako ng ikatlong subject namin.Pumasok ako pero ako naman kaagad ang pinag-report na dapat next week pa,mabuti na nga lang talaga dala ko at handa na 'yon kaso feeling ko naman may kulang pa eh ,kaya hindi 100% ang na ibigay ni Teacher saking report.Bandang hapon, tambay lang kami sa mini garden dahil 'yong huling subject namin ay may biglaang meeting.Actually ,hindi ko rin nakasama sina Clarissa at Nixon,may klase sila that time.So ganito na nga, binalikan ako ng mga alakay ni Leny.Wala rin akong na gawa kundi iwasan sila at magtago kung saan walang alakay, ngunit talagang sinusundan ako ni Leny dahil nagkasalubong kami sa locker room.

Nandoon at binuhusan niya ko ng malamig na malamig na tubig tapos pinalitan nila ng Lock ang locker ko, hindi ko mapalitan ang suot kong damit.

Malas di ba?

Dinaig ko pa nakipag-basag ulo dahil sa sakit nararamdam ko. Walang kaalam-alam ,ang mga magulang ko,boyfriend at kaibigan na galing ako sa Impyerno,kanina. Mas mainam nalang itago ko ang totoo kaysa magkagulo na naman.

"Ate!" Masamang tingin ang ginawad ko saking kapatid."Samahan mo naman ako bukas sa palengke."

"May pasok ako." Mahina kong tugon.

"Hapon pa naman."

"Baka gabihin ako ng uwi."

"Bakit? Alas singko lang uwian nyo 'di ba??"

Matamlay kong tinignan siyang muli."Oo,pero sorry hindi kita masasamahan."

"Uy! May problema ka ba?" Sabay lapit sakin.

"Bakit wala ka yata sa mood?"

"Wala talaga."

"Bakit nga?"

Kung sasabihin ko sa kanya malamang idadaldal niya lang ito Kay Amir o kaya kay Nixon,yung loyalty kaya niya nasa dalawa ,WALA SAKIN.

"Uuwi ako ng gabi kasi maglalakad lang ako pauwi." Dahilan ko nalang.

"Nyee ..Hindi ka ba hahatid ni kuya??"

"Hindi,baka dumiretso yon sa Daddy niya.May mga inaayos kasi ngayon business, kaya dapat nandoon siya."

"Ganoon? Wahhh kaya nga siguro ganyan ang tamlay mo.Well,okay.Ako nalang nga talaga ang pupunta."

"Wala ka bang pasok?" Usisa ko.

"Meron pero half day lang, kasi bibili kami ng iluluto namin sa cooking contest sa school."

"Sa room nyo lang ba?"

"Hindi, gagawa kami ng booth sa field,tapos doon namin gagawin ang contest."

"Ah okay, Good luck."

"Hindi mo ko ichi-cheer?" Usisa niya.

"Subukan kong manuod,kailan nga ba 'yon?"

"Susunod na araw." Tipid niyang sagot.

"I'll try." Tumayo na ko para pumasok sa kwarto.

Inihagis ko ang bag sa lapag at maging ang katawan ko ay tamad na humiga sa kama.Nag isip isip ako bago marinig na nagsasalita si Tatay at Nanay. Bumangon ako para lumabas.

"Nay ,Tay ! Kayo na ba yan?"tanaw ko silang naka-upo habang may hawak na mga kape.

"Nandiyan kana pala." Sabi ni Tatay.

"Kararating lang po,kayo po ba?"

"Kararating lang din.Uh anak, maupo ka muna rito." Utos ni Nanay.

Kinabahan naman ako."A-ano po bang pag-uusapan natin?"

Pareho silang ngumiti."Wala naman,pinaupo ka lang,?bigla ka naman kinabahan."

"Mga seryoso kasi ang itsura nyo."

"Pareho lang kaming pagod."

"Gusto nyo po masahe ko kayo?" Mahinang tumango si Nanay,minasahe ko ang kanyang balikat.

"Jomel! Tara nga rito!"

Lumabas naman si Jomel mula sa kwarto nila ni Nanay

"Bakit teh?"

"Imasahe mo muna si Tatay."

"Ay ganoon?" Dinilatan ko lang ng mata bago sumunod.

Nagtatawanan kaming lahat habang minamasahe namin ang aming magulang.Nakakatuwa lang isipin na kahit medyo matanda na sila Nanay at Tatay ay ginagawa pa rin nilang maghanap-buhay para samin.Kaya kapag ako nakapag tapos ng pag-aaral, gagawin ko ang lahat para sa kanila.Gusto ko kapag ako naman ang nag tratrabaho ,nasa bahay nalang sila, mamahinga ,at hindi na mapapagod sa pagtratrabaho.

Sabay na rin kaming lahat mag hapunan tapos tsaka ko tinapos ang mga assignment.Bago ko matulog ay tinext ko si Amir.Tumatawag naman siya.

"Hi Love." Kinikilig ako.

"Hi Amir." Tugon.

"Ay!Amir lang?" Tila nakulangan at may nais pang marinig.

"Hello Love." Nahihiya naman akong mag bigkas.Napapakagat labi na nga lang ako.

"Ayon naman,kinikilig ako,nawala na pagod ko." Tumingin ako sa cellphone bago ulit siya kausapin.

"Parang ngayon lang kita na rinig magsalita ng ganyan.Mukhang maganda ang buong araw mo ah?"

"Ah oo Love,sa katunayan nga nagpirmahan na ng bagong kontrata sina Dad at mga partnership niya."

"Talaga? Wow!Congratulations.Marami kana rin sigurong nauunawaan sa mga business nyo."

"Sobrang dami na nga talaga.Kapag nakapagtapos na tayo ng college, pagtutuunan ko muna ng panahon ang business namin bago ako maghanap ng sariling trabaho."

"Mabuti ka nga, kahit di mo na isipin ang trabaho ,nandiyan kaagad.Ako,hindi ko pa alam kung may makukuha kaagad na trabaho after college."

"Wag ka ngang negative,makakapagtapos ka ,sure na makakahanap ka kaagad----matatanggap ka kaagad."

"Sana nga."

"Isipin mo ang mga Nanay at Tatay,kapag nagwork kana ,sila naman ang nasa bahay nalang.Masarap din 'yong nagtratrabaho ka dahil sa mga taong mahal mo."

"Tama.Oh Sige na,matulog kana agad ha?"

"Ikaw din."

"Hindi muna kita masusundo ha?"

"Oo,alam ko po.See you tomorrow."

"Okay.Sana magkita kaagad tayo.Ang dami kasi pinagagawa bukas ni Ma'am sakin."

"Okay.Kitain mo nalang ako kapag hindi kana busy."

"Bye Love,Good night.I love you."

"Good night din Love? I love you too. Muwaah." Kilig na kilig naman akong nagpatay ng cellphone at tumagilid.

Nagulat ako Kay Jomel na nakatingin sakin habang naka ngisi.

"Ano?" Tanong ko pa.

"Wala naman.Ang sarap mainlove noh?"

"Che! Matulog kana nga! Patayin mo na 'yang ilaw ! Bukas ligpitin mo 'yang higaan mo ah? Baka ako na naman paglinisin mo ng kama mo!" Tinalikuran ko na nga siya at tsaka na pikit na may ngiti sa labi.

Kinabukasan naman ay maaga na kong gumayak.Tulad ng dati ,lalakarin ko lang mula school,sobrang tipid kasi para sakin.Hindi na rin ako hinahatid ni Tatay dahil madami na siyang service.Kayang-kaya ko magtiis, maglakad basta marami kinikita si Tatay.

May bumubusina sa likuran ko,paglingon ko si President pala 'yon.

"Sumakay kana!" Sigaw nito ng dumungaw sa bintana ng kotseng sinasakyan.Mabilis naman akong sumakay.

"Naglalakad ka na naman." Pansin nya.Ngumiti lamang ako bago niya buksan ang radio sa kotse.

"Kamusta kayo ni Amir?" Sulyap nito sakin."Hindi ka yata niya na susundo at hatid?"

"Paano mo nalaman??"

"Kasi naglalakad ka."

"Paano mo nalaman na hindi niya ko hinahatid pauwi?"

"Kasi nakikita kong walang sumusundo sayo,after class natin."

"Abala lang 'yon.Madami kasing pinagagawa sakanila 'yung guro nila."

"Ah.Okay! Ilang buwan na ba kayo?"

"Bakit interesado ka yata?" Banggit ko.

"President mo ko kaya gusto kong malaman kung ano na ang balita sainyo ni Amir."

"Ganoon? President ka lang naman ng klase.Hindi ng relasyon namin." Humalakhak pa ko ng malakas.

"Ayaw mong sabihin?"

"Two months pa lang kami." Mabilis kong sagot.

Baka kasi pag-initan niya ko mamaya sa klase eh.

"Naks,umabot ng two months.Sana forever na 'yan."

"Oo naman." Nawala ang ngiti sa aking labi."Sana nga."

"Tiwala lang sa isat-isa ang kailangan? para tumagal ang relasyon."

"Malaki naman tiwala ko sa kanya. Actually ,simula ng magkalabuan kami dati tungkol sa pagiging playboy niya sobrang laki ng pinagbago niya."

"Pansin ko nga,madalas nga dati na kasama niya mga kabardakada ,ngayon ikaw na lang talaga."

"Syempre, Ganda ko----" Sabay pakita ko sa mukha.

"Naman! Dapat nga ikaw nalang ang muse namin!" Tawang-tawa nyang sabi.

"Grabe ka talaga."

"Oh bakit? Totoo naman ah?"

"Sus! Alam naman natin na si Muse ang mas karapat-dapat?"

"Dapat nga talaga ikaw nalang,kung siguro noon kapa nag-aayos ng sarili baka ikaw ang binoto ko."

"Ulo mo."

Humalakhak lamang ito na pinakitang tuwang-tuwa.Naka pasok na kami sa classroom ng dumating din ang guro namin.May pinagawa siyang activity.

"October na ngayon class.Wala ba kayong ideyang gagawin para mapaganda ang classroom nyo?" Usisa ni ma'am Lopez.

"Nakapagmeeting na po kami ng mga officers.This week,maikabit na namin ang mga parol sa labas.Balak din po namin na gumawa rito sa loob ng Christmas tree ,maglalagay kami rito ng mga regalo para sa mga gusto naming bigyan." Mahabang paliwanag ni Pres.

"Aba mainam yan! Excited naman ako malaman ang kalalabasan ng lahat."

"Thank you ma'am!" Sabay-sabay naming sigaw.

"Best,lunch na tayo?" Hinarang lang naman ako ni Clarissa ng madaan ako sa room nila.

"Wala pa naman Lunch." Wika ko.

"Gutom na ko eh." Palabas na sana kami sa building pero bago kami makababa ng hagdan ay nakita namin si Amir.

Nakasandal siya sa plant box habang ang dalawang kamay niya ay nakapasok sa bulsa,abala itong may nilalarong bato sa paa ,nang makita niya kami ay tumuwid siya ng tayo at sinuklay ang buhok gamit ang kanyang mga daliri.

"Kay Nixon nalang ako magpapasama maglunch.Chance mo na 'to para masolo ang boyfie mo." Bulong sakin ,bago magpaalam bumalik sa kanyang classroom.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan habang nakikipag titigan sa kanya.Maaliwalas na maaliwalas ang kanyang mukha.

"Hi." Isang matamis na ngiti ang ginawa niya sakin.

"Hello." Tugon ko naman.

"Lunch?" Sabay pakita ang isang lunch box.

Dinala niya ko sa mini garden kung saan may upuan at lamesa.Siya naman ay panay ang sulyap habang kumakain kami.

"Kamusta ba?" Umpisa niyang tanong.

"Okay naman Love,ikaw ba tapos na sa lahat ng gagawin mo?"

"Syempre,tinapos ko na talaga dahil sobra na kitang miss kasabay kumain ng lunch,ihatid,at sundo sa bahay nyo."

"Ikaw din naman,miss ko na ,pero ano ba magagawa ko? Mahalaga ang pag-aaral kaysa sa landi." Sabay kaming tumawa.

"Ihahatid na kita ha?" Hinawakan niya ang pisngi ko."Miss you."

"Miss you too. Kain lang ng kain." Paanyaya ko rito.

"Okay.After nito pwede bang samahan mo ko sa PTA hall?"

"Para saan?"

"May pinakukuha lang si Ma'am Faustino."

"Sure no problem."

Sinamahan ko nga siya sa PTA hall ,dala ang mga aklat na gagamitin ng mga estudyante sa kabilang section.

"Bakit ikaw yata ang gumagawa nito?" Tanong ko.

"Wala lang." Nanatili na lamang akong tahimik kahit nakapagtataka ang mga ginagawa nito.

"Ate Klea!!" Tawag ni Jomel."Ate----" Paglapit niya sakin.

"Ohh problema mo?"

"Hindi mo ba talaga ako masasamahan sa market?" Ang landi nito..May pa market ,market pang nalalaman ,samantalang palengke ang sinabi niya sakin kahapon.

"Hindi." Matigas kong tugon.

Ngumuso ito at tumingin Kay Amir."Oh Sige,kay Kuya Amir ako magpapasama sa kanya ,total naman hindi na siya abala sa mga ginagawa ritong event."

"Event??" Pagtataka ko.

"Kunin ko na 'yang mga aklat Kuya ha? Samahan mo ko mamaya!" Sabay layas bitbit ang mga aklat.

Humarap ako Kay Amir."Anong event naman 'yon?" Usisa ko sa kanya na hindi pa rin makatingin.

"Ah tungkol lang yon sa cooking show."

"Ahhhh." Tinitigan ko lamang siya sa mata kaya naman nakikipagtitigan din ito.

"Hindi ka ba naniniwala?" Sabay hawak sa kamay ko para maglakad kami pabalik sa building.

"Naniniwala naman pero bakit ganoon na lang ako mag-isip na hindi ka nagsasabi ng totoo."

"Diyan nag-uumpisa para masira ang relasyon." Naka ngiti niyang wika.

"Hindi ah." Tanggi ko.

"Wag mo na ko pag-isipan pa dahil na gawa ko ng magbago dahil sayo."

Napapangiti nalang ako sa tuwing babanat siya ng ganito.Ang sarap sa feeling na patay na patay siya sa akin.

"Agahan mo lumabas sa room nyo ha?" Ulit pa niya.

"Basta agahan mo rin lumabas sa room nyo." Ulit ko naman.

Dumaan muna kami sa mini chapel ng University. Wala naman gaano tao kaya mas lalong matiwasay ang pagdadasal ko.

"Lord ,thank you po sa lahat.Sa pagbibigay mo ng magandang kalusugan sa pamilya ko.Sa katalinuhang nang gagaling sayo.Lord ,ikaw na po ang bahala sa lahat ng mga taong nasa paligid namin." Dasal ko sa aking isipan.Sabay lingon ko Kay Amir na taimtim ding nag darasal.

"Lalong-lalo na po rito sa lalakeng minamahal ko.Ikaw na po ang bahala sa kanya, lahat po ng dinadalangin niya ngayon wag nyo sanang lalagpasan.Kami lang po nandito ngayon kaya aasahan kong pareho mo po kaming babasbasan ng iyong mapagpalang kamay.Amen."

Nakangiti akong dumilat at muling tumingin sa katabi ko.Kukurap kurap ko siyang tinitigan habang nakaluhod pa rin ito at nakapikit.Napakasarap lang isipin na ang isang tulad niya umibig sa isang tulad ko.Kahit ginamitan ko siya ng hindi tamang proseso ay hinihiling ko na sana magtagal kami at kung dumating man ang araw na iwan na niya ko,sana tanggap ng puso kong mawawala na rin siya ng biglaan sakin.

Gumalaw ang kanyang mga mata kaya umiwas na ko ng tingin sa kanya.

"Okay kana?" Nakaupo na kami ngayon.

"Oo,pumasok na tayo."

Pagkalabas, inakbayan niya ko.Feeling ko naman ay pinagtitinginan kami ng mga tao.

"Wag mo silang intindihin kahit iniintindi nila tayo.Hindi na sila nasanay na lagi tayong magkasama." Pinili ko nalang na wag magsalita dahil alam kong 'yon na naman ang topic namin.

"Ano pala balita nung wala ako? Hindi ka ba pinagtritripan ng mga alakay ni leny o siya man mismo?"

"Ha? Uhm---Hindi naman.Nagtataka nga ko at bakit hindi nila ko ginugulo lately."

"Ganoon?" Yung tingin niya parang 'di naniniwala.

"Oo naman.Thankful ka dapat doon."

"Thank you naman at kung ganoon nga."

Ilang minuto muna ito naglagi sa labas ng room namin bago tuluyang umalis.Marami man akong napapansin sa mga pagbabago niya ay sana lang hindi ito maka-apekto sa aming relasyon.