2 One
Napangiti ako habang nakamasid sa paraiso na nakikita ko, naramdaman ako na may nagpatong ng kamay niya sa balikat ko, paglingon ko ay isang nakangiting lalaki ito.
Find authorized novels in Webnovel,faster updates, better experience,Please click www.webnovel.com for visiting.
"Gusto mo ba talagang bumalik?" tanong niya saakin.
Tumango ako.
May kinuha siyang tatlong kandila sa likuran niya at ibinigay ito saakin, nagtataka akong kinuha ito at tsaka pinagmasdan.
"Mayroon kang tatlong kandila, tatlong pagkakataon para mabago mo ang nangyare sa buhay mo, pero kapag naubos na ang mga ito at hindi mo nagawa ang dapat mong gawin." Tumingin siya saakin ng seryoso. "Babalik ka dito at hindi kana makakabalik pa sa mundo nila"
"Ibig mong sabihin?"
Tumango siya at tsaka umiling.. "Binigyan ka ng pagkakataon na baguhin ang nangyare sa buhay mo, tatlong pangyayare lang ang dapat mong baguhin. Para magawa mo iyon ay kailangan mong sindihan ang kandila na ibinigay ko sayo, sa pamamagitan nito makikita at mahahawakan ka ng mga tao. Pero sa oras na matunaw na ang kandila ay magiging multo kana ulit. Katulad nga ng sinabi ko sayo, may tatlong pagkakataon ka lang para mabago ang naging takbo ng buhay mo."