Different World

5 Four

Sinundan ko siya hanggang sa dalhin niya ako patungo sa bahay nila.

Malaki ito pero ang ipinagtataka ko ay bakit malungkot ang paligid.

Binuksan niya ang gate at sumunod ako sakanya. Tahimik siyang pumasok sa loob.

Nasa Sala na kami ng bigla'ng lumabas ang Mom niya.

Wala siyang pinakitang emosyon rito pero binate niya.

Walang imik ang Mom niya habang umaakyat papasok na siya sa loob ng kwarto niya.

Tinitigan kung maigi ang bawat galaw niya at ganun din ang ginawa ko sa Mom niya.

Kalaunan ay lumabas narin siya ng kwarto at nagtungo sa kusina. Naiwan ako sa Sala at pinagmamasdang maigi ang bawat anggulo ng bahay nila.

Wala pa ngang ilang segundo ay napatakbo kaagad ako sa kusina dahil may narinig akong nabasag doon.

Nakita kung nanlilisik ang mata nung Mom niya habang hinahawakan niya sa buhok ang anak niya. Sinubukan kung awatin pero tumatagos lang ang kamay ko.

"Hindi kita pina-aral at pinatira dito para magpakasaya sa buhay mo" galit na galit na sambit nung Mom niya. Naikuyom ko ang kamay ko at galit na napatingin doon. Tuloy-tuloy na tumulo ang luha niya habang tinatanggal niya ang kamay nito sa buhok niya.

"Wala ka nang ginawang matino sa buhay ko, pareho kayo ng Ama mo." Mas lalo siyang napahagulhol doon.

"H-Hindi ko naman po sinasadya, Ma please tama na" pagmamakaawa niya.

Padabog siyang binitawan nung Mom niya.

"Linisin mo yan, kung ayaw mong ipakain ko sayo ang mga bubog na iyan" napatango na lamang siya at sinunod ang utos ng ina.

Umupo ako at pinantayan ko siya, nanlilisik ang mga mata kung tiningnan yung Ina niyang yun.

How can she do this.

"Mamahalin ka rin niya, mamahalin ka rin niya" rinig kong bulong bulong niya habang umiiyak at nagliligpit ng nabasag na baso.

Nakaramdam ako nang awa para sakanya, hindi ko alam na ganito pala kalupit ang mundong ginagalawan niya. Her own mother.

Hindi naman niya Step-Mom iyon dahil hindi nagkakalayo ang mukha nila.