29 Chapter 28
I was about to tell my parents the whole thing pero mas nauna na pala nila itong nalaman kaysa sa akin. They already met my biological mother a day before we had an encounter. I wasn't able to attend my class today kasi sinundo ako ng parents ko. Hindi ko maiwasang kabahan dahil alam kong bago sila pumunta dito sa apartment ko ay magte-text or tatawag muna sila sa akin.
"Kelsey anak, alam mo namang ayaw naming nagsisinungaling sayo diba?" tumango ako sa sinabi ni mommy. That's what I want to thank about my parents. They never raise me in a world full of lies. Pinalaki nila ako na alam yung totoo at hindi marunong magtanim ng galit sa ibang tao gaano man kalaki o kaliit ang nagawa nilang kasalanan sa akin.
"Mom, thank you sa inyo ni daddy kasi hindi nyo po ako pinipigilang makita yung totoo kong ina." wika ko. Niyakap ko si mommy habang nandito kami sa loob ng kotse. We're heading now to the hospital since the news came to me that my real mother is sick.
Sinamahan nila ako pareho hanggang sa makita namin yung room ng mama ko.
"Anak, sa labas lang kami ng mommy mo." wika ni daddy. I saw my mom crying kaya't niyakap ko ulit silang dalawa. She's very emotional now kaya masakit para sa aking makita sya sa ganitong sitwasyon.
"I l-love you po." I told them. I want them to always remember how much they mean a lot to me. Nang makalabas na silang dalawa dito sa room ay tsaka ako lumapit kay mama.
She's very pale now but what caught my attention is her bruises. Mas lalo itong dumami ngayon.
"M-ma, kamusta po kayo?" tanong ko at hinawakan yung kamay nya.
"P-pasesya na kung naabala kita anak. Gusto lang kitang makasama kasi hindi ko alam kung tatagal pa ba ako para makita kita."
It's so damn painful hearing those words from her. Mommy told me earlier that she has a heart failure. Hanggang ngayon ayoko pa ding tanggapin yung katotohanan.
"M-ma, wag mo pong sabihin 'yan. G-gusto ko po makapunta kayo sa graduation namin ni ate Laurene."
I don't want to cry infront of her. I want to show her that her daughter is raised as a brave one. Kung pwede ko nga lang pabagalin yung oras ay gagawin ko. Gusto ko pa syang makasama ng matagal lalo pa't nalaman ko kung gaano sya kabuting ina.
"N-nak, pagpasensyahan mo na ang kapatid mo ha?" wika nya. I can see the pain in her eyes lalo na't alam nya kung anong relasyon meron kaming dalawa ni ate. We're not in good terms at alam kong masakit sa parte ni mama ito.
"Magiging maayos din po ang lahat." pangungumbinsi ko. Pareho kaming napatingin ni mama ng biglang may pumasok sa pinto. I saw ate Laurene's eyes directly looking at me na mukhang galit na galit na naman.
"What are you doing here?" she asked. Bumitaw naman ako kay mama at pagkatapos ay lumapit sa kanya.
"B-bumibisita lang ako ate Laurene." sagot ko. Her eyes widened because of what I have said.
"Ate? Alam mong hindi kita matatanggap bilang kapatid! I've been secretly hating you eversince kung alam mo lang. Can you just leave now? I don't want to see you here." sagot nya kaya't napalayo ako. Nasasaktan ako kasi dito pa kami mismo nag aaway sa harapan ni mama.
"L-lets stop fighting for a while, please? Para kay mama." I pleaded but she didn't even dare to listen.
"Gusto mo ba talagang magkaayos tayo? Fine! I want you to tell Asher that you have no feelings for him! Magpakalayo layo ka na sa amin." I felt the pain in my chest again right after she said those. I love Asher so much at hindi ako papayag na mawala sya sa akin. I will just think of another way para magkaayos kaming dalawa. I will never sacrifice my man. Never.
"T-tumigil na kayong dalawa. L-laurene tama na." pakiusap ni mama kaya't natauhan ako.
"You're on her side again mommy? Sige mamili kayo! Ako ang aalis ngayon o ang babaeng 'to." tears started to fall from my eyes but I wiped it right away. I looked at my mother while smiling, not minding the pain my sister caused me.
"Ako na po ang aalis." wika ko. Niyakap ko muna si mama bago ako lumabas ng kwarto. Mabigat pa din yung loob ko sa sitwasyon namin ng kapatid ko ng sinalubong ako ng yakap nina mommy.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni daddy. Sinubukan ko naman ang lahat para ngumiti sa kanila.
"You can rest muna anak." dugtong ni mommy pero umiling naman ako.
"Papasok po ako." sagot ko sa kanila. The truth is, gusto kong magsabi na ng maaga sa mga prof ko na absent ako ng tatlong araw hanggang sa bumuti ang kalagayan ni mama. I want to take care of her lalo pa't matagal din kaming hindi nagkasama. I just hope that they'll give me consideration.
Daddy insisted na ihatid ako sa school. Tahimik lang ako sa buong byahe at nag iisip ng pwedeng gawin para maayos ko yung sitwasyon. I looked at my phone. I'm not receiving any messages from Asher kaya't ako na yung naunang nagtext.
/How are you? Nagkita ba kayo ni ate kanina?/
I waited for his reply but I haven't receive any. Siguro ay may klase pa ito since 30 minutes pa naman bago ang lunch break.
"Wag na po kayong mag alala mommy. Ayos lang po ako." wika ko habang pilit na pinapanatag yung loob nila. Inantay ko munang makaalis ang kotse nila bago ako nagdesisyong pumasok sa loob. Hindi pa man ako tuluyang nakakalampas ng gate ng makita ko si Draven.
"We need to talk." he said seriously. Habang tumatagal, mas lalo syang nagiging misteryoso sa akin. It looks like he's not the Draven I know since before kaya hindi ko sya maiwasang pagdudahan. Sigurado akong marami pa akong bagay na hindi alam tungkol sa kanya.
"Tell me what is it." tugon ko. Aaminin ko, kinakabahan ako sa pwede nyang sabihin.
"I don't want you to get hurt, Remy. Forget your feelings for him. He's not good for you. You're not meant for each other." hindi ko alam na sa puntong iyon ay kusang gumalaw ang kamay ko at lumapat sa pisngi nya. I slapped him because of what he said. How dare him to tell this things to me? Wala naman syang alam sa aming dalawa ni Asher.
"Stop this things, Draven. Huwag mo ng dagdagan pa yung problema ko." wika ko bago sya tinalikuran. Bago pa man ako makahakbang ay nahawakan na nya yung palupulsuhan ko. I looked at him with teary eyes, still hoping that he didn't mean what he said.
"I'm telling you this because I care for you." he added. Inis ko namang inagaw sa kanya yung kamay ko.
"If you really care for me, then you will stop saying those things. Sino ka ba talaga Draven? B-bakit parang ang dami kong hindi alam tungkol sayo? Ipakilala mo na sa'kin yung totoong ikaw kasi? malapit na akong mawalan ng dahilan para pagkatiwalaan ka."
Tears keep on flowing down my cheeks. I considered him as my friend pero kung patuloy nyang sisiraan si Asher? sa akin ay tuluyan ng lalayo yung loob ko sa kanya.
"I'm sorry, Remy." I didn't say anything after he said those. Umalis na lang ako at iniwanan sya. Pumunta ako sa kung ano yung sadya ko dito sa Cambridge. Mabuti na lang at lahat ng prof ko ay nagsend sa akin ng file containing our lessons na dapat kong pag aralan para makahabol ako.
I explained to Ersy that I'll be gone for three days. Kasama ko si mommy sa hospital while daddy is at his work. I am right when I asked my mother before kung sinasaktan ba sya ng asawa nya. The truth is, halos araw araw na nakakatikim ng pambubugbog yung mama ko. Sa pagkakataong ito, alam kong kailangang kailangan nya ako ngayon.
"Bibili lang ako ng pagkain sa labas, nak. Kumain ka muna." wika ni mommy. I told her na ayos lang ako at agad na nilipat ang tingin kay mama na natutulog ngayon. I don't know why things get complicated now.
I told my mommy na dito na lang ako matutulog sa hospital kasi walang bantay si mama. Mabuti na lang at pumayag sya sa gusto ko. And since, mas malapit yung bahay namin sa apartment ko, doon na lang muna ako umuuwi para maligo at makapagpalit. After that, I went to the hospital again. Buong araw akong nagbabantay kay mama. I want her to feel that I'm still here for her kaya't kailangan nyang lumaban. Gusto ko din bumawi sa kanya kasi matagal na panahon kaming hindi nagkasama.
"Kamukhang kamukha mo ang mama mo, nak." wika ni mommy. Nakita kong umiiyak sya kaya't niyakap ko ito.
"Kamukha ko din naman po kayo ni daddy e." sagot ko habang pilit syang pinapatahan.
I understand what she's feeling right now. We are always open for each other and she also told me that she felt scared at the same time happy kapag nalaman ko na kung sino yung totoong ina ko. Natatakot daw sila ni daddy na baka iwan ko na sila. I promised them that it will never happen kasi kahit anong mangyari, palagi pa din akong nasa tabi nila.
Maya maya ay nagpang abot na naman kami ni ate Laurene. She visited mama just for an hour a day. Mabilis din syang umaalis pagkatapos.
"Hindi ko na pala kailangang pumunta dito kasi nandyan ka na. Anyway, thanks for the effort Kelsey! Mabuti na lang at wala na akong iisipin lalo na't may date ako ngayon." wika nya. I can't help but to feel hurt right after she said those.
"D-date? K-kanino?" pigil ang luhang tanong ko.
"Don't ask if it's already obvious Kelsey! Ofcourse it's Asher! Maybe he realized that I am the girl he really loves at hindi ikaw na sapaw lang sa'ming dalawa." sagot nya. Pinigilan ko ang sarili kong ngumiti at huwag umiyak. Kahapon pa kaming hindi nag uusap ni Asher. He told me that we will not cut our communication pero hindi naman sya nagrereply sa akin. Hindi ko maiwasang mapaisip kung may problema ba kaming dalawa. I just decided to message him.
/I miss you. Let me see you for a moment, please? I just need someone to talk to./
Halos mabitawan ko yung phone ko right after na marinig ko yung tunog ng life support machine.
"M-mommy ano pong nangyayari?" nagpapanic kong tanong habang nakatingin kay mama.
"Kelsey anak! Tumawag ka ng doctor! Bilisan mo."
Iyak lang ako ng iyak sa sinabi ni mommy. I called the doctor for help asking if my mother will be alright. Pinalabas nya kami habang naghihintay kami ng resulta ni mommy.
"M-mom, magiging maayos naman si mama diba? G-gagaling po sya diba?" pinahid nya yung luha sa pisngi ko bago ako niyakap. Hindi pa din ako mapakali sa pwedeng mangyari. I keep on praying na sana maging maayos na ang lahat.
"E-everything will be fine, Kelsey anak." pagpapatahan sa akin ni mommy. I just let my tears fall from my eyes and waited patiently. Mabilis naman kaming lumapit sa doctor ng lumabas ito mula sa room.
"D-doc ano pong nangyari sa m-mama ko?" I looked at his expressions kaya hindi ko maiwasang mas lalong kabahan.
"The patient needs to undergo an operation as soon as possible. Mahina na ang puso nya. Kung hindi ito maaagapan kaagad ay maaari nya itong ikamatay." hearing what the doctor said literally break me into pieces. Pinagmasdan ko habang walang malay si mama. Hindi ako tumigil sa pagdadasal na sana maging maayos na ang lahat. Isang oras na din pero hindi pa din sya nagigising. Maya maya ay nakatanggap ako ng text kay Asher.
'Let's meet at 7 pm. Wait for me outside.'
Napatingin naman ako kay mommy. I told her kung sino yung nagtext. She told me na puntahan ko si Asher at sya muna ang bahala dito. I also want to call ate Laurene dahil nabanggit nya sa'kin kanina na may date sila. Hindi naman malabong magkasama sila.
I texted him na ako na lang yung lalabas ng hospital. Namataan ko kaagad yung kotse nya habang naghihintay sa akin. Our eyes met. I immediately went to him bago ko sya niyakap.
"I miss you." umiiyak kong wika. I badly need him right now, now that I needed strength because of what happened to my mother.
He didn't say anything and I noticed that he's back to being cold again. I can't see any reaction on his face. It's the first time that I saw his blank expression again.
"S-saan tayo pupunta?" my voice cracked after I uttered those words. I hold his hand even if my hands are shaking.
"Let's end this." he removed my hands from him.
Naguluhan ako dahil sa sinabi nya.
"A-asher, ano bang sinasabi mo?" I asked, pretending that I didn't heard anything.
"Please forget everything about us."
Umiling ako dahil sa sinabi nya. This can't be. He told me that he loves me right?
"A-asher, I h-have no time for your jokes." pilit ko pa ding pinapaniwala na isang malaking kalokohan lang lahat yung sinasabi nya.
"I lied to you. Hindi kita totoong minahal." walang tigil sa pagbuhos yung mga luha ko dahil sa narinig ko mula sa kanya.
"N-no. T-that's not true! A-asher naman! M-may problema ba satin? M-may nagawa ba ako?" I cried begging for him to stay.
"I'm sorry."
After saying those, he left me. Kung kailan kailangang kailangan ko sya, tsaka naman sya nawala sa tabi ko ngayon. I don't know what happened between the two of us. He denied his feelings for me. Alam kong nasabi lang nya lahat ng to dahil may dahilan sya.
I need to talk to Draven. Sigurado akong may alam sya sa mga nangyayari. I will never let us end this way.
I'll fight for my feelings for him. Kahit na masakit. Kahit na ipagtabuyan man nya ako palayo.