Potion Of Love

8 Chapter 7

Unang hakbang,

"Klea."

"Aling Carlota."

Lumapit siya sakin habang may bitbit ng mga plastic.

"Wala kana bang klase?" Tinititigan niya ko sa mata.

"Uhm,meron pa naman po, actually,pabalik na rin po ako-- Eh kayo po? Anong ginagawa nyo?"

"Naghatid ako ng mga orders sa ibang teachers." Titig na titig niyang wika."Uhm.Umiyak ka ba?"

"Hindi po,napuwing lang po ako." Pagsisinungaling ko.

"Ganoon ba? Oh,Sige.Mauna na ko sayo.Ingat ka."

"Sige po.." Nilagpasan ko nalang siya pero muling sumariwa sa aking isipan ang gayumang tinitinda niya.

Sa bagay,kahit nga anong gawin namin hindi ko yun magagamit dahil iiwasan ko na nga pala siya.

Kaya lang ,pwede naman na gawin ko 'yon tapos... Ah hindi----Basta wag na nga lang kasi mahirap din yung gagawin ko.

Una,kakausapin ko pa si Aling Carlota tapos pipilitin ko pa siyang pumayag,wag na nga lang talaga.

"Ah Klea !Sandali." Nawala ako sa iniisip ng tawagin muli ako nito.

"B-akit po?" Diko alam kung bakit na utal ako habang palapit siya sakin.

"Si---" Parang nagdadalawang isip pa itong magsalita.

"Ano po 'yon aling Carlota?" Bulaslas ko.

"Si ..si Amir ba 'yung kausap mo kanina??" Sabay kaming lumingon sa mga lalakeng nag uusap at kasama nga roon si Amir.

"Opo,bakit po?"

"Ah...." Doon pa rin nakatingin habang ako sa kanya na nakatuon."Gwapo nga talaga si Amir.Balita ko kasi siya ang pinaka crush ng bayan eh." Sakin na ngayon tumingin kaya ako naman ako umiwas.

"Oo nga po eh.Alam nyo na ganoon talaga ang mga lahi ng mga Go.Kahit saan ka tumingin nasa paligid lahat ng mga babaeng baliw na baliw sa kanya."

"You mean,kasama ka ba roon?"

"Po?"

"Alam ko kasing siya 'yong na gugustuhan mo."

"Paano po? Paano nyo po nalaman?"

"Sa Nanay mo," Ngumiti sakin.

Si nanay talaga ang daldal.

"Si Nanay talaga."

"Kaya kaba umiiyak dahil hindi ka niya magustuhan?"

"Hindi naman po ako umiiyak ah?" Tanggi ko.

"Pero narinig ko lahat ng usapan nyo.." Ay chismosa pala."Matagal mo na ba talaga siyang na gugustuhan?"

"Opo." Nahihiya kong tugon.

"Tingin mo ba wala ka nang pag-asa?"

"Narinig nyo naman 'di ba? Kahit katiting wala.ASA pa ko.Okay lang po 'yon." Muli akong nalingon sa pwesto nila Amir? nakatingin sakin tapos tsaka umalis ng makitang naka tingin ako.

"Pero may paraan pa naman."

Nagulat ako kaagad ko siyang nilingon.

"Ho??" Ayan na---iooffer kaya niya 'yong gayuma?

"Ah hindi,wala,de bale.Malay mo naman na magustuhan ka rin niya,'Di ba?" Ay ! Pak!

"Ewan ko po.Bata pa naman ako Aling Carlota ayaw naman pumayag ni Tatay at Nanay na mag boyfriend ako."

Tila binabasa lamang niya ang nasa isipan ko.Wag sana niya mabasang gusto ko.

"Tama yan.Study first muna." Payo niya sakin."Ah sige mauna na ko sayo ha."

"Sige po.Mag-iingat po kayo sa pag-uwi."

"Salamat." Bigla naman nagningning ang kanyang mga mata na hindi ko malaman ang dahilan.

Pinanuod ko muna ang lakad ni Aling Carlota.Ang cute naman kasi, maliit na mataba kaya mukha siyang penguin.

Nagawa ko pang pagtawanan ang lakad niya samantalang male-late na ko sa susunod namin klase.Malalaking hakbang kong tinungo ang locker upang palitan ang notebooks.Bago ko buksan ang locker ko napansin ko namang may mga nag uusap malapit sakin.Hindi ko man maunawaan ang usapan nila ngunit dinig kong pinag uusapan nito si Amir.Huminto ako upang ipakita sa kanilang naririnig ko ang usapan nila.Inirapan naman ako ng mga yon at tsaka umalis.Matinding irap ang ginawa ko.Who cares?

Sa pagbukas ng aking locker ay may nalaglag mula sa loob ng isang puting sobre.Binuksan ko kaagad ito dahil naka sulat ang pangalan ko labas nito.

Klea , Simula ngayon taga-hanga mo na ko ;)

Nasamid ako sa siniwalat sa sulat.

Taga-hanga? Lol! Sino namang Bobong hahanga sa gaya ko? Lol talaga..Haha..

Pinanuod ko ang buong kapaligiran nag babakasakaling nandito pa yung nag lagay nito sa locker ,ngunit wala na palang mga estudyante ,tanging ako nalang pala ang tao rito.

Malalim man ang iniisip ko ngunit hinayaan ko nalang na wag akong lamunin ng mga nangyari ngayong araw.Wala akong ideya kung sino ba ang taga hanga ko kuno at ang pagkakaalam ni aling Carlota tungkol samin ni Amir.

"Klea,nno nga pala meron sa biyernes?"

"Libreng juice."

"Ahhh.Okay.Juice lang daw ba?" Saglit kong sinulyapan si Clarissa.

"Oo raw."

Tumabi sakin."Kanina kapa walang kibo diyan.May problema ka ba?"

"Wala naman.Kasi---- kasi ano,nung isang araw may nakuha akong sulat sa locker ko."

"Then?"

"Tagahanga ko raw siya." Imbis na nanlaki ang mata ay ngumiti ito.

"Wow! Sa wakas !"

"Sa wakas? Bakit? Kilala mo ba kung sino may gawa nito?"

"Ha?Hindi.Hindi ko kilala ,ang ibig ko lang sabihin sa wakas may nakakita na nang tunay mong magandang kalooban.Ang galing niya dahil hindi 'to tumingin sa panlabas na kaanyuan."

"Kung sabagay,kaya lang,hindi ko nga lang kilala kung sino."

"Exciting kaya 'yon.Nanghuhula ka kung sino ba nagkakagusto sayo."

"Kung makapagsalita ka naman parang walang nagkakagusto sayo."

"Iba naman 'yong sakin.Sila kasi direktang umaamin,wala nga kong natatanggap na ganyan eh."

"Talaga ba? So,tingin mo ba hindi ganyan si Nixon sayo?" Bulaslas ko.

"Nixon? Bakit na dawit si Nixon dito?" Usisa sakin.

"Hindi mo ba na papansing gusto ka niya." Natatawa kong siwalat.

"Are you sure na ako talaga? Iba kaya gusto non,bestfriend kami."

"Well,paano nga kung umamin ito sayo?"

"Malabo."

"Bakit naman?"

"Dahil iba gusto niya."

Ngumuso ko."Bakit,hindi ko 'yon alam? Kayo lang ba nag-uusap sa love life nyong dalawa?"

"Suuuuuss! Gusto naman talaga namin sabihin,kaya lang masyado kang hibang sa Amir na 'yon."

"Syado ka."

"Bakit totoo naman."

"Kala nyo." Banta ko.

"Pero bestfriend,kung sino man 'yong secret admirer mo,Wow,ang swerte niya."

"Swerte nga ba?Ang malas niya dahil nagugustuhan niya ang panget kong mukha."

Hinawakan niya ang buhok ko."Pa straight mo lang yan.Okay na." Hinaplos naman ang braso ko."Glutathione lang katapat diyan."tumayo ito."Lahat ng problema mo kaya nating maresolbahan."sabay kindat habang nakahalukipkip.

"Eh 'yong height ko?" Ako naman ang tumayo.

"Girl,hindi ka maliit.Katamtaman lang ang taas na 5"4 noh,tsaka hindi mo ba nakikita 'yong mga height requirements sa mga beauty contest? 5"4 pataas,kaya kapag may Ginoo at Binibining Agham,ikaw ang iboboto ko."

"Asa ka naman sasali ako doon."

"Aasa ako dahil isasali kita.Kaya maghanda ka." Pananakot sakin

"Don't me,Clarissa."

"Hindi naman tayo susugod sa laban na walang armas.Syempre akong bahala sa pasabog mo!"

Dahan-dahan akong umiling sa kapilyahan niyang naiisip.Siya kasi,isang sabi lang nandiyan na kaya,magagawa niya ang lahat.Haay,kung minsan natatakot akong sumama rito lalo kapag trip niya ko.

??

"Hi Nay! Nandito na ko."

"Ano bang ginawa mo kina Clarissa?"

"Ah tambay lang po."

"Kanina pa kasi kita hinihintay."

"Bakit po?"

"Nagtext kasi si Aling Carlota.Pinapahatid niya itong mga bote,ang dami ko pa kasing gagawin kaya,ikaw nalang daw ang maghatid sa kanya." Bahagya naman akong kinabahan.

"Sige po Nanay,nasaan po ba 'yong dadalhin ko?"

"Nasa ibabaw ng lamesa.Nandoon na rin pamasahe mo.Hindi ka mahahatid ng tatay mo dahil marami siyang service."

"Sige po." Kinuha ko ang plastic at pera."Nay,alis na po ko!" Sumigaw nalang siya,tsaka ko tumawag ng tricycle.

Saglit lang at narating ko ang shop.Sarado ito kaya naman ginamit ko ang doorbell.

"Klea,pasok." Masiglang wika ni Aling Carlota.

"Salamat po.Heto na po pala 'yong pinapadala nyo.Pasensiya na po kung ngayon ko lang na dala."

"Walang problema.Naghapunan kana ba?"

"Ah opo.Kumain na ko sa kaibigan ko."

"Ah sige,gusto mo ng fish cracker?"

"Busog pa naman po ako."

"Ah saglit lang ha.May hahanapin lang ako."

"Sige po." Hindi naman ako mapakali ngayon.Feeling ko may mga matang nakatingin sakin.

Marahil dati may hinahanap akong bagay kaya feeling ko may makakahuli na naman sakin.

"Naniniwala ka ba sa Gayuma?" Nagulantang ako sa sinambit niya.

"Hooo?"

Naupo siya sa tabi ko habang may nilapag na maliit na bote.

"Marami sakin bumibili nito." Sabay turo sa bote.

"Ano po ba 'yan?"

"Gayuma."Tila lumundag ang puso ko sa mga sinabi niya.

"Alam mo ba kung ano ibig sabihin nito?"

"Ah opo." Mabilis kong tugon."Yong gayuma kapag ginamit mo 'yan sa taong nagugustuhan mo ay mamahalin ka rin." Bulaslas ko pa.

"Tama."

"Bakit po? Bakit nyo po pinapakita 'yan?Bakit nyo po sinasabi 'yan?" Syempre kunwari lang akong wala alam.

"Gusto kitang tulungan."

"Hoo?" Gulat kong wika.

"Tutulungan nga kita.Gusto mo si Amir? Ede gawin mo 'yan para mahalin ka nya."

Parang nagbago naman ang isip ko.Kinakabahan naman ako ngayon.

"Hindi po ba masama 'yon?" Yon nalang nasabi ko.

"Walang masama kung gagamitin mo sa tama."

"Pero,wala po akong pangbayad ngayon."

"Libre na 'yan.Sa katunayan,naawa kasi ako sayo.Gusto ko,kahit man lang dito matulungan kita."

"Hindi ko po alam kung paano gagawin 'yan."

"Madali lang naman."

"Paano po?"

"Payag kana ba??"

"Opo,try natin 'yan."

Heto na yata ang unang habang para mangyari ang gusto ko.Tiwala akong magiging okay ang kalalabasan nito,kahit sabihin nating mali dahil gagawin ko 'yon sa hindi magandang paraan.