9 Chapter 8
Ikalawang hakbang
"Hi Klea.Papasok kana?" Si President.Kaya lang bakit naglalakad ang isang 'to?
"Hello." Tugon ko.
"Bakit naglalakad ka lang ngayon?" Usisa sakin.
"Eh ikaw,bakit naglalakad ka lang din ngayon?" Balik kong tanong.
"Actually,nakasakay ako sa kotse." Siya naman lingon niya sa likuran namin.Nandoon nga ang kotse nila nakasunod samin habang mabagal magpaandar.
"Eh bakit naglakad ka pa? Hindi mo ba naisip na baka malate ka dahil na sayo ang susi ng room natin?"
"Eh ikaw kasi."
Kunot noo ko siyang tinitigan."Anong ako? Inaano ba kita?"
"Nakita kitang naglalakad, kaya sinabayan kita."
"Connect?"
"Ayokong may nakikitang naglalakad habang ako nakakotse."
"Bakit?" Siya namang kunot ng noo nito."Bakit naman?Ngayon ka lang ba nakakita na naglalakad? "
"Oo,sa katunayan ikaw palang.Eh bakit nga pa naglalakad ka ngayon? Nasaan si Tatay mo?"
"May service kasi, kaya naglakalakad nalang ako.Sayang pamasahe,dagdag din 'yon sa mga bayarin sa projects."
"Kahanga-hanga." Bulong nito.
"Sumakay kana para 'di ka malate."
"Eh ikaw? Malelate ka."
"Kasabay lang kita kaya mabagal akong maglakad.Sige na,sumakay kana." Bahagya ko siyang tinulak.
"Sumabay kana.Total ,sinabayan naman kitang maglakad eh."
"Ganern?"
"Oo tara." Hinatak niya ko papasok sa kanilang kotse.
Wala na kong sinabi dahil malaking tipid ito at less haggard pa sa paglalakad.Pareho lang sila ng kotse ni Nixon, same mabango ang loob at puro pagkain.Yun nga lang may sariling driver si President hindi tulad ni Nixon? na siya lang nagdra-drive para sa kanyang sarili.
"Kuya,bumalik ka nalang po mamaya." Huling paalala ni Pres bago kami lumabas sa kotse.
Pinauna na ko maglakad para siya naman ay mag-in sa kanyang office.May isang room doon na para sa mga Class President.Naalala kong maaga pa naman, nasa kanya 'yong susi.Ilalagay ko muna ang ibang notebooks ko para hindi mabigat sa bag.Pagbukas ko sa locker .Boom! May Teddy Bear? Lumingon naman ako sa paligid ngunit wala naman nakakita sa hawak ko.
Binasa ko ang isang card na nakadikit dito.
Good Morning Klea.Hope you like it.Sana pumasok ka para makita kita ngayong araw.
Yung secret admirer ko.Binigyan niya ko ng Teddy Bear? Waaah ..Buong buhay ko ngayon lang ako nakaTanggap ng ganito.
Sino nga ba siya? Paano ko malalaman kung sino ang misteryosong lalakeng 'yon?
Humayghad.
Makapasok na nga.Maloloka ako nito.Bukas ang pintuan nila Amir ng dumaan ako at dahil sabi ko nga iiwasan ko na siya hindi na ko sumilip o lumingon man lang dahil nasasaktan din lang naman ako.
Pumasok ako sa room ,nasa sampu palang kami, nagawa ko pang-isubsob ang aking mukha sa desk.Habang patagal ng patagal lalong pa-ingay ng pa-ingay ang loob ng kwarto.Halatang dumarating ang mga klasmeyt ko.
"Good morning class." Si ma'am Lopez.
"Good morning ma'am Lopez!" Tugon ng mga klsmeyt ko habang ako naman ay tumuon ng tingin sa mga tao.
"P.E natin ngayon, tulad na sabi nang adviser nyo may libre pa juice si Mayor.Kayo nga pala ang naatasan na mamahagi.Ilabas nyo na ang inyong tumblers and make sure na may pangalan nyo." Paalala ni Ma'am.
Mabilis naming inilabas ang mga tumbler na may kanya-kanyang pangalan.Inilagay nila ito sa isang tray,inutusan kaming lumabas at magtungo na nga sa Canteen.Ang canteen na bihira lang gamitin dahil para lamang ito sa mga estudyanteng may malaking handaan.Wala nga kong ideya kung bakit may pa-Juice, ini-expect kong may pangbara naman.
Kami palang na last section ang na unang dumating.Total ,kami ang mamahagi at magtitimpla ay mas naging okay pa ito para pagdating ng ibang sections ay okay na.
Nasa loob na nang kitchen area ang mga tray na may nakaprint na sections. Nandito yung Section A ,B ,C and D na tray may kanya kanyang name ang tumblers.
"Hi Klea,tulungan mo naman ako rito." Utos ng klasmeyt ko.
"Sure.Ano pa ba rito ang hindi mo na lalagyan?"
"Sa section A.Ikaw na sis,pupunta lang ako ng Cr."
"Ah sige ,sige." Mabilis siyang lumabas at na iwan ako.
Kaagad kong hinanap ang tumbler ni Amir,hindi ako nahirapan.Hinalik halikan ko ang ito bago sinalinan ng Juice.Sisilip silip naman ako sa labas na baka may makakita sakin.
Mula sa secret pocket,hinugot ko ang maliit na bote.Naglalaman ito ng clear water,hindi lang basta water lang ha? Dahil heto 'yong sinasabi ni aling Carlota na Gayuma!
Pipihitin ko na sana itong bote ng may pumasok sa pintuan kaagad ko itong itinago sa ordinary pocket ko.
"Hi Nixon!" Mabilis kong bati.Wag lang sana niya mahalata na may gagawin akong 'di maganda.
"Hello,tapos kana ba 'diyan?" Sabay turo sa mga tumblers.
"Ha? Ah,hindi pa.Yong sa ibang sections palang nalalagyan." Ani ko.
"Ganoon ba? Sige,ako na bahala diyan.Ikaw na maglabas ng mga may laman na."
"No! I mean,ako nalang ang tatapos nito.Magagalit sina Ma'am Lopez at Ma'am Faustino kapag hindi kami ang gumawa nito.Maghintay kana lang sa labas." Hinawakan ko ang kanyang likod para itulak ito.
"Sure ka ba na kaya mo na?" Pangungulit nito.
"Oo nga.Sige na,magagalit sakin ang adviser namin nito eh.Sige na." At tuluyan na nga siyang lumabas sa kitchen area.
Napabuga ako ng hangin.Binalikan ang juice ni Amir.Mabilis kong nilagyan ng isang patak ang kanyang inumin.
"Isang patak lamang ang ilalagay mo sa ano mang inumin ,except alcoholic ha? Hindi yon effective. Tandaan mo na walang dapat maka kita sayo na ginagawa mo yan lalong lalo si Amir dahil sigurado akong mawawala ang bisa ng gayuma.Tandaan mo rin na isang beses sa isang buwan mo lang gagawin 'to ha? Super effective kasi nito at baka kung ano pang epekto ang mangyari kung sosobra.Ang pinaka mahalaga, dapat nasa harapan ka niya habang iniinom niya ito.Tandaan mo palagi ang lahat ng sinabi ko ha ."
Nagbalik tanaw ako bago ko ibalik sa secret pocket ang bote, may pumasok sa loob ng area.
"Klea,kunin ko na sa section namin ha." Wika ng section C.
Kasunuran lang nito si Clarissa. "Hi Klea,kunin ko na ito ha? " siyang kuha ng pang Section B nila.
"Sabi ko sayo,ako na gagawa niyan eh." Sabi naman ni Nixon.
Mabilis kong sinalinan ang natitirang walang laman na tumbler,kagadahan niya kinuha sakin at lumabas.Mabilis din akong sumunod dala ang tray na para saming Section. Hindi pa naman ipinamamahagi ang juice,inilagay muna nila ito sa mahabang lamesa na nakagayak na simpleng asul na tela.Pagkababa ko roon ay na upo ako sa tabi ng Pres.namin dahil sumenyas itong sa tabi niya ko tumabi.
"Pakitulungan naman yung PRO natin sa pagbubuhat." Sabay turo sa nguso niya sa kitchen area na pinagkaka guguluhang ilagay ang pizza sa mahabang lamesa.
"Ah sure!" Tumayo na ko, dagsang dating ng mga ibang sections kaya medyo magulo ng tulungan ko ang mga klasmeyt ko.
Bumuga ako ng hangin ng matapos namin ang lahat.Napasulyap ako sa unang row ng upuan ,nandoon si Amir ,nakatingin sakin,ngunit kaagad ding umiwas ng tingin.Uupo na sana ako ng hawakan ni Nixon ang kaliwang kamay ko ngunit si Pres naman ay humawak sa kanang kamay ko.Ang itsura ko nito? Ugh.Parang pinag-aagawan ako ng dalawang gwapo tapos sa harapan ko ang isang mas gwapo sa kanila.
"Best,may sasabihin lang ako." Wika ni Nixon na nakatingin sakin.
"Ah Sige." Bibitaw sana ako ka Pres ng magsalita naman ito.
"Pwede mamaya na 'yan? May ipapa-ayos lang ako sa Kitchen area." Bossy tone ni Pres.kay Nixon.
Wala naman na gawa si Nixon kung hindi bitawan niya ko at sundin ko ang aming Pres.Naupo si Nixon sa Ikalawang row ng upuan,napansin ko na naman si Amir na nakatingin samin ni Pres.
"Okay na ba lahat?" Usisa sakin.
"Oo.Okay na.May ilalabas pa ba?" Usisa ko.
"Wala na." Sabay hila pa rin sakin pa upo sa tabi niya.
"Diyan kana lang ha?Hayaan mo na silang magbigay ng mga foods and Drinks sa kani-kanilang Sections."
"Ah okay." Pasimple kong kinapa ang secret pocket ko.Sabay sulyap muli Kay Amir na abalang naggigitara.
"Ikaw ang Representative ng Section D ,kaya humanda ka." Bulong niya.
"Ha? Bakit? Anong meron?" Nagugulihaman kong tanong.
"Bawat Sections may representative,ikaw ang nilista ko.Handa mo,kung ano sasabihin mo at talent."
"Talent??!"
"Oo,talent.Maganda naman boses mo 'di ba?"
"Ha? parang wala sa kundisyon ang boses ko tsaka pang CR lang naman ito,hindi pang madlang people." Nahihiya na kong lumingon lingon sa mga tao.
"Kaya mo 'yan." Sabay patong sa balikat ko."Kantahin mo yung alam mong tamang-tama sa buhay mo,para kuha mo yong emosyon."
Saglit akong nag isip.
"Eh ano bang sasabihin ko?"
"Tungkol sa section natin.Kung ano ba meron sa section D na hindi pa nila nalalaman."
"Ganoon? Ang hirap?"
"Kaya mo yan." Sumilip sa kanyang labi ang isang ngiti.Umakbay siya sakin, na gulat ako at tinignan ko ang kamay niyang nasa kabilang balikat ko na.Hindi ko naman din inaasahan na nakatingin si Amir na naman at iiling-iling habang umiirap sa kawalan.
"Kung ano 'yong kakantahin mo ay dapat tugma sa Section natin ha.Kaya mo yan!" Muling pagpapalakas loob niya sakin.Mapait akong ngumiti at inalis ang kamay niya sa balikat ko."Sorry may magagalit ba?"
"Sino naman?" Usisa ko.
"Hindi ko alam.Meron nga ba?"
"Wala.Wala ah.No boyfriend since birth kaya re! Haha."
"Wow proud kapa?"
"Oo naman.Bihira kana lang kaya makakakita ng gaya ko noh!"
"Haha.Talaga ba?" Tapos bubulong bulong hindi ko naman maunawaan.
Nagsalita na ang Adviser namin upang simulan ang maikling program bago ipamahagi ang mga pagkain.
"Mula sa Section A.Palakpakan po natin si Nixon Guevara !" Marami nag-aabang na sana si Amir,ngunit hindi rin naman sila na disappointed dahil Lodi naman nila si Nixon.
"Hi Fourth Year!" Unang buga ni Nixon. Hiyawan kaagad ang mga kababaihan.
"Sikat na sikat din yang KAI-BIGAN MO." 'yung salitang kaibigan ay iniba niya ng tono.
"MAGKAIBIGAN LANG KAMI NOT KAI-BIGAN.." Bulaslas ko.
Humalakhak naman ito pero 'di ko pinansin dahil nagsasalita pa rin si Nixon. Sa lakas ng tawa ni Pres hindi ko na rin na rinig 'yong mga sinabi? tungkol sa Section A.
Ang harot kasi ng Pres namin.Kaasar,sakalin ko kaya 'to hahaha.Dejoke!
"Itong kakantahin ko ay para sa aking napaka especial na kaibigan.Sabihin ko na ngang TANGA 'yon pagdating sa pag-ibig,pero gusto ko lang din sabihin sa lahat na nandito naman ako eh.BILANG KAIBIGAN." Ngumisi siya habang nakatingin sakin.
Lahat naman ng nasa gilid namin na Section C sakin ang tingin.Tumunog ang speaker hudyat na aawit na si Nixon.
"Bakit ka iiyak." Bulaslas ni Pres habang kumakanta si Nixon.
"Favorite niya yan eh." Siwalat ko.
"Hindi mo ba napapansin sa bawat lyrics?"
"Yung kanta ba?"
"Ay hindi yong mic--'yung mic." Sabay tawa na naman.
"Pakinggan ko nga mabuti 'yong kinakanta niya.Nagpaparamdam na 'yong kaibigan mo."
Sabay tingin ako Nixon.
"Bakit ,bakit ka iiyak ,at hahayaan bang ang puso mo ay laging Kay bigat ..Heto ..Heto naman ako hindi nagbabago hanggang ngayon naghihintay pa rin SAYO."
"Oh 'di ba?" Sabi ni Pres.
Natulala ako.Totoo ba? Hindi kaya tama si Pres? na may gusto sakin si Nixon? Pero sabi ni Clarissa may gusto siyang iba kaya lang wala naman silang sinabi kung sino.
Natapos si Nixon pero hanggang ngayon tulala ko pa rin siyang sinusundan ng tingin hanggang sa tumingin siya sakin at tila ako pa na hiya na naka nganga habang naka tingin sa kanya. Ngumisi siya.Yung ngisi na kailanman hindi ko pa nakita buhat na nagkakasama kami,ibang ngusi yun at alam kong hindi yon pang iinis.
"Anong feelings?" Si Pres.
"Feeling,feeling blah." Aniko
"No comment ba?" Mahinang tumango ako."Kung ganoon eh ,kailangan ko nang pagtuunan ng pansin ang magandang dilag na nasa harapan ko." Nagtataka man ako nakatingin sa kanya.
Halos lumuwa ang mata ko ng nasa harapan si Clarissa.Hindi kailanman 'yan sumasali sa mga paligsahan o program ng school.Bakit nandito siya?Aba.Mukhang kakanta rin yata ah?
"May gusto ka sa Kaibigan ko noh?" Pang-aasar ko Kay Pres.
Ngumisi siya at humalukipkip.
"Maganda siya pero hindi naman lahat ng lalake siya ang gusto."
"Ganoon? Pero crush mo?"
"May mas maganda pa sa kanya rito noh."
"Hoy! Pinaka maganda na ang kaibigan ko rito ha!!" Bulyaw ko.
Kaya naman natahimik ang lahat sa sinabi ko.Nahiya kami ni Pres ay hindi,ako lang pala dahil si Pres.namin tawa nang tawa.Ang hirap katabi nito parang nakakabaliw.
"Klea,ang ingay mo." Saway ni Clarissa sakin.Tinapat pa sa mic ha? kaasar!
Nagpeace sign nalang ako at yumuko.Nag umpisang kumanta ang kaibigan ko at heto pa.Kinanta lang naman niya ang pinaka favorite niyang kanta.Maganda rin boses ng Bestfriend ko.Ewan ko ba, at bakit ngayon lang 'yan sumali sa mga ganitong pa-Contest.
Laking gulat ko ng hilahin ni Pres ang laylayan ng damit ko.Pisti !San ba ko dadalhin ng Pres namin! Kaasar.
Nagtungo kami sa nagbabantay ng sounds.
"Kuya,gandahan mo ang ipapatugtog mo rito." Sabay turo sakin ni Pres.
"Ah ano ba Kakantahin mo Lea?" Lol! Ayoko talaga tinatawag na Lea dahil parang Leny! Hmp,buset.
"Kuya, Klea not Lea." Pagkokorek ni Pres.
"Gusto ko ng Lea eh.Ano ba kakantahin mo?" Tanong muli niya.
Binulong ko nalang bago kami maupo muli ni Pres sa upuan.Mabilis palang na tapos si Clarissa kaya naman yung Section C naman ang sumabak.Tawa ng tawa ang Pres namin dahil wala sa tono ang pambato nila.
"Yan na ba ang pinaka magaling sainyo?" Maangas na wika nito sa Katabing Section namin.
"Wow ha! Make sure na magaling din ang pambato nyo! Tatawa nalang kami kapag si Klea ang patatayuin nyo diyan!" Bulyaw ng President Section C.
Tawanan ang buong Section C ,habang may ibang sections din ang nakitawa.Kita ko ngang ngumiti si Amir at Leny.Thankful naman ako Kay Nixon at Clarissa na nakikipag satsatan pa sa ibang tumatawa? para ipagtanggol ako.
"Wag mong hayaan na pagtawanan ka ng lahat.Ipamukha mo sa kanila na kahit hindi ka katanggap-tanggap ,may ibubuga kapa rin." Kahit may pagka-insulto ang sinabi niya ay tama nga rin siya.Pinalalakas lamang niya ang loob ko.
Tumayo si Pres ng matapos ang umawit sa Section C.
"Good morning.Sige tumawa lang kayo.Its a free country,do what you want." Basag ang katahimik ng Bulaslasin ni Pres ang mga katagang yon.
Lumingon ako sa lahat, si Amir biglang nawala ang ngiti sa labi at masama ang tingin sa Pres namin.
"Si Klea ang napili kong kakanta rito.Bakit? Dahil gusto kong ipamukha sainyong lahat na may ibubuga siya sa kabila ng pang iinsulto nyo sa kanya.Marahil lahat kayo tumitingin sa panlabas na kaanyuan ng isang tao pero para saming Section D ,siya ang Prinsesa namin na hinding hindi mo kakakitaan ng kadungisan ng ugali ..Hindi nga siya pinalad sa kagandahan ,inulan naman siya ng kabutihan. Kaya yong mga nag sasabing Pandak ! Negra ! Kulot at Salot Kay Klea!? Pwes ..Heto na .Lasapin nyo ang tirada niya SAINYO."
Pinatayo ako ni Pres at sumenyas na Chin up dapat kaya ginawa ko naman.Lahat ay tahimik na naka tingin samin ni Pres. May mga naghahabulang daga sa dibdib ko ngunit pilit ko itong tinatago.Ibinigay na sakin ni Pres ang Mic at tsaka siya na upo.
"Hello.Nais ko lang sana magpasalamat Kay Pres,kung hindi dahil sa kanya baka pinagtatawanan nyo na ko ngayon.Yan ang dahilan kung bakit masayang kasama ang Section D dahil hindi sila mga plastic ,may mga pangarap din sa buhay. Oo ,last section kami pero hindi porket nasa huling section kami ay mga BOBO NA ANG LAHAT SAMIN.Nagkakamali kayo ,dahil dito ko lang nakita ang mga taong matatalino ,nag aaral ng mabuti at marunong makisama sa ibang sections ,and Teachers. Kilala nga sigurong magulo at dugyot ang section namin pero marunong naman kaming makibagay hindi gaya ng ibang sections na ang yayabang.Oo ,gusto ko sanang ipamukha sainyong mayayabang kayo.Mula sa Section A to C? ,Bakit dahil ba sa nauuna kayo kaysamin? Pwes Sige kayo naman talaga ang matatalino pero dumating na ba sa buhay nyo na subukin ng kayo pagsubok at nanatiling matatag? Nanatiling inaabot ang pangarap? Kasi kaming Section D ,damang dama namin ang tagumpay ng bawat isa dahil mas masarap pa rin yun may pagsubok para makikita nyo ang katatagan ng puso.Thank you Section D at dahil sa pagiging makatao nyo para sainyo itong aawitin ko."
Lumingon ako Kay Kuya at tsaka sinimulang pagtugtugin ang aking aawitin.
Saang sulok ng langit ko matatagpuan
Kapalarang 'di natitikman
Sa pangarap lang namasdan
Isang lingon sa langit at isang ngiting wagas
May talang kikislap, gabay patungo sa tamang landas
*Unti-unting mararating kalangitan at bituin
Unti-unting kinabukasan ko'y magniningning
Hawak ngayo'y tibay ng damdamin
Bukas naman sa aking paggising
Kapiling koy's pangarap na bituin
Ilang sulok ng lupa, may kubling nalulumbay?
Mga sanay sa isang kahig, isang tukang pamumuhay
Isang lingon sa langit, nais magbagong-buhay
Sa ating mga palad nakasalalay ang ating bukas
(Repeat *)
Bukas naman sa aking paggising
Kapiling ko'y pangarap na bituin.
Sa unang pagkakataon.Pinalakpakan nila ako kasabay sa pagtayo ng lahat.Hindi ko inaasahan na ganito pa ang trato nila sakin kahit kanina lang ay puro pang iinsulto at tawa lamang ang narinig ko.Tumingin ako Kay Pres slow clap ito habang iiling-iling at hindi mawala sa kanyang labi ang ngiti.Damang-dama ko ang pagiging proud niya sakin.Napaka ganda ng nangyari ngayong oras na ito.Sana lagi nalang ganito,sana lagi nila akong mahalin tulad na ginagawa nila sakin.